Monday, August 31, 2009

Puntos at Realisasyon

Ring...Ring...
Negi, bakit ang tagal mo sumagot?
Ay sori po nasa biyahe po ako...
Make sure etc...etc...etc...
End of call

2 missed call...

Dito nagsimula ang paggana ang utak ko...

Nakasakay ako sa jeep biyaheng Ybardolaza,Q.C. papuntang Intamuros, Manila. Kelanagn ko kumuha ng sertipikasyon kaya nagpaalam ako sa aking opisina na late ako makakapasok. Mahaba ang biyahe, mainit kaya ramdam na ramdam ko ang bawat patak ng pawis, langhap na lanaghap ang polusyon ng buong Maynila.

On the way, nagtxt ang isa naming writer:
Iriz c paul hindi sumasagot. Ingestn namin 10am,wala cia para dalin tapes. Oo,bday nya. Oomay karapatan cia magleave. Pero sanatnapos nia assignment bgo cia lumarga! Anuba naman ung sumagot sa txt?? kaninu kya nia balak IPAKISUYO ULIT ang mats?

Una ko ginawa,binati si Paul...
Pagkatapos, tinanong kung nasaan ang mga tapes niya...
Walang reply...

PUNTOS: Tama si Nanay Blessie...Hindi rason para iwan ang responsibilidad at maipasa sa ibang tao na may responsibilidad din...Unfair ito hindi lang dahil hindi sumasagot si Paul o wala siya sa opisina nung mga oras na yun...Unfair dahil ang mga taong naiwan kahit pa pagod o hirap ay responsableng niyayakap ang lahat...

REALISASYON: Hindi espesyal na araw ang birthday...Hindi ito dahilan para pagbigyan ka...Bulabog...Bulabog...at bulabog...Supresa...


Pagdaan ng Quiapo Church, may naalala ako...May nagbabalak magpakasal dito pero erase, erase, erase...Ayoko mabwisit...Pati simbahan ginagamit para pagusapan...oo,istorya at kinakagat...Ay naku kung hindi ko pa alam...At bilang naniniwala sa Mahal na Poong Nazareno,ako'y malaya na mainis...period...


2 missed call...

Write message:
Tita Kelly, Kuya Otep punta lang po ako comelec intramuros, may kukunin lang...Tenkz
Message Sent

Walang reply pero alam ko natanggap naman nila...


Tanong: Bakit ang tagal mo sumagot?
Sagot: Nasa biyahe po ako eh, maingay...Sa jeep lang ako sakay,mahal ang taxi kaya harurot ng jeep music ko...at mamahalin ang telepono ko no...hindi pwede pa-sway sway lang sa Maynila...Peace...Sensya...

Tanong ko naman: Kung nadinig ko naman, dededmahin ko ba? Kaya nga nakausap na ako kasi nadinig ko na...

PUNTOS: Mali ang hindi pagsagot ng cellphone kaya nga mobile phone para within reach lahat ng tao. Pero kung hindi nasagot tapos nasagot din, wag na mainis...Sumagot na nga db? Surely, may matinong rason kung bakit hindi nasagot. Hindi naman siguro trip lang na "Hindi ko muna sasagutin, tawag ka muna ulit"...Negative naman ako sa drug test eh...

REALISASYON: No point at all...sayang ang laway...ang memo pag tumatawag ang opisina, sagot agad...Nanginginig pa, walang patumpik tumpik...Importante, importante, importante...

Txt message...
Ang haba kaya hindi ko na iinsert...basta ang laman courtesy at walang pakialam sa oras ng iba...

Hindi nakakatuwa yun ha,aayusin mo lahat noong gabi tapos umaga parang wala lang...wala ka ginawa at all...Ikaw ang mabibwisit...ggggrrrr...


PUNTOS: Usap tayo, mga mass communications graduates pa naman tayo lahat...Pwede magsalita at dumada...Dito nga lang daw tayo magaling sabi ng journ prof ko na galit sa mass comm majors...

REALISASYON: Mataas yata ang salitang courtesy, lets make it simple, gawing nating CONCERN...Naniniwala naman ako na naituro sa atin ng bawat magulang natin yan...Dati isa sa golden rule ay magpaalam kung saan pupunta...Nagpaalam ka at sumunod kasi CONCERN ka...Iintayin tayo at hahanapin kapag hindi nagpaalam...Baka atakihin sa puso ang lola natin, magharakiri nanay natin o magsumbong sa pulis tatay natin...ngayon, simple na...Hari nawa matutunan...

11:56am
Kuya kukuha lang po ako ng certificate..
Kuyang Guard: Naku ate, lunch break na, kain ka muna saka ka bumalik...
Pero kuya abot ako eh,sakto lang...May pasok ako, hahanapin na ako, kelangan ko nga makabalik agad...Bawal nga ginawa ko,alam mo yun kuya...
Kuyang Guard: Ate oras na ng pagkain nila...

PUNTOS: Abot ako eh, wala pang alas dose...

REALISASYON: Tao sila, nagugutom at may oras dapat ng pahinga...at kahit pa may nagiintay (kahit pa may deadline) at kahit may mapapagalitan dahil sa pag-alis sa opisina (kahit pa may matatalakan), may oras ang bawat tao na dapat irespeto...Manigas ako pero kakain sila...

REALISASYON 2: Ang swerte nila kay kuya guard ha,pinoprotektahan talaga niya ang karapatang pantao ng mga nasa loob...


Ito ang halos kalahating araw ng biyahe ko papuntang Maynila...Isang paglalakbay na nagkaroon ng saysay dahil sa mga puntos at realisasyong hatid ng bawat taong parte na ng buhay ko, mga lugar na may bakas ng alaala at pusong bukas at may kakayahang intindihin ang nagyayari sa mundo...

No comments: