Thursday, July 24, 2008

Fri-HAY-Day

Pek: San ba kami tutulog sa Cebu?

Mimosa: Sa Plantation bay..

Pek: Wow, sobra sobra naman ang binigay sa akin ni Lord na out of town, bonggang bonggang Plantation bay...

Hay...Bigla akong nalungkot...Namimiss ko na talaga lumabas...Mag-shoot, makipag-usap sa iba't ibang klase ng tao, makahanap ng istorya pa ulit habang gumagawa pa ng istorya sa isang lugar, makasama ang makukulit na crew, matulog sa hotel kasama sila, maginom sa gabi pagkatapos ng shoot...Bago pa ako natali sa opisina, hindi naman pa karamihan ang mga out of town shoot ko kaya kokonti pa din lang naman ang memories na aking naitatago...pero alam ko ang lahat ng iyon, maaalala ko pa ang bawat maliliit na detalye...

Ipagsisigawan ko sa buong mundo: GUSTO KO NA LUMABAS ULIT, AYOKO MATALI SA OPISINANG ITO...OO, NAKARAMDAM AKO NG INGGIT....

Bukas, alam ko na tatamarin ako pumasok...Hindi ako gaganahan bumangon...

Bakit? Kc...

si Prue, nasa malayong lugar...

si Paul at Liezl, nasa Cebu....

(Nagkaproblema kung sino pupulawt sa Cebu pero kahit pa gusto ko talaga mag-out of town at mag-tsinelas ulit at kahit alam ko na sabihin ko lang na ako na ang pupulawt noong tinatanong NIYA ako kung sinong pwede - hindi ko ginawa...Kelangan ko ang aking Sabado ngayon para sa aking pamilya,hay hindi yata talaga para sa akin?)

si Mimosa at LT, nasa Dumaguete....

Ang matitira sa opisina - ako at si Ate Jerleen...

HAY....

Sa mga mas malalapit kong kaibigan,alam kung bakit "hay" na lang ang nasabi ko...

Te jerleen, walang walk out factor ha...Kaya natin 'to...Matatapos din ang bukas....

Friday, July 18, 2008

A Friday Night!!!!

7:35 PM

The mood started to change... I became sad for reason(s) I don't know, I cant find...


10:54 PM

I want to write...Justify the feeling...Ask and explain what's happening...

But...

I don't want this entry to be depressing...Neither be a non sense one...It will go no where...Better to stop it now...

###

I WANNA BE HERE...




Friday, July 11, 2008

Long Term???

It's not meant to happen...

This very minute I still want to believe that tomorrow will be a happy-worry free day with the wind blowing on my face, water on my feet, food shared to my closest budz...But I think no one is decided...No one seems to be excited...Is it the place? I don't know...Not the company I'm pretty sure....

I wish we have more time to plan...I wish we have all the luxuries to go far places and don't worry on everything when we get back...

I guess...The reason is that every one of us wants a long term happiness...Useless it seems???...

For in the end, its still this four corner of the room with the monster(s)...Waaaaaaaaaah!!!!! Hahahahahaha!!!!


My prayer:
"Lord, bring the same old brand new us"

Tuesday, July 8, 2008

Feeling Better...

Ngiti, alak, tawanan, pagkain, kwentuhan, kantahan - masayang sabado para sa akin at sa buong pamilya ko...Sulit ang pagiintay at ang pagsabi ko sa sarili ko na darating din ang sabado...Pero kinabukasan, hindi naging maganda ang gising ko...Nakakapanlambot na umaga naman ang sumalubong sa akin...Hindi ko na ipapaliwanag pa ng detalyado dahil ang buhay maari namang 'BASTA LANG'...

Katulad na lang ng linggong dumaan sa buhay ko at sa buhay ng pili kong mga kaibgan...BASTA NA LANG sa isang iglap - gumuho ang ipinundar, nagulo ang lahat...Isang paninira, motibo para sa sarili, pagpapakita ng malasakit sa inauukulan, galit sa mga taong ipinahamak - ilan sa mga dahilan na naglaro sa isipan ko...Naiintindhan ko na…Ugali n’ya talaga, nakalakihang paniniwala na para maging maluwag ang dibdib nya - kelangan niya gawin...Sa malalim na pagsusri at malawak na paguutak - paano mo naman masisisi ang taong ginawa lamang ang makakapagpasaya sa kanya…Eh sa prinsipyo na pinaniniwalaan ko kung anong makakapagpasaya gawin mo ng malaya...

Oo, nagpupuyos ang damdamin pero hindi na dahil sa nagawa kundi dahil sa naging reaksyon...”I dont want to stoop down on their level” kaya ayaw ko harapin, komprontahin at tanungin kung siya nga ba ang gumawa non...Hindi totoo, isang palusot, isang pagpapanggap...Hindi ko siya hinaharap at wala na ako balak dahil sa WALA NAMAN AKO PAKIALAM SA SASABIHIN PA NIYA,AMININ MAN NIYA O HINDI...Dahil ang gusto ko naman talaga marinig eh “HINDI AKO NANIWALA NA MAGAGAWA N’YO YAN...Umaaasa o gustong maniwala na naniniwala siya sa akin, sa amin...Subok ko na ang sarili ko…Apektado talaga ako kapag ang mga taong mahal ko, pinagtitingnan o gusto kong parte ng buhay ko ay hindi naniniwala sa akin - mapatrabahong ipinakita ko o sa pagkatao ko na mula bata ay hinulma na ng aking mga magulang...Siguro nga gusto ko na siyang parte ng buhay ko...Uulitin ko - siya bilang parte ng buhay ko, hindi ako parte ng buhay nya...Dito magiging maliwanag na hindi dahil siya ay siya kaya ako nagkakaganito kundi dahil binuksan ko ang puso ko sa kanya, inintindi at inisip na may dahilan kung bakit siya ganyan na pamantayan ko naman kahit sa ordinaryong taong nakikilala ko - sana nga hindi na lang...Dahil mali...Walang patutunguhan...Walang kahapon para sa kanya - na dati pa'y nakikita ko naman pero pinairal ko pa ang pagintindi...Ngayon, malinaw na malinaw na sa akin...Isang malaking panghihinayang dahil alam ko sa sarili ko tapat akong tao...

Isang leksyon ang iniwan sa akin ng pangyayari na ipagpapasalamat ko pa yata sa dapat ay isinusumpa ko - Salamat dahil habang maaga bago pa tuluyang lumapat ay nakaalpas ako...Bago pa tuluyang lumubog ay nakaahon ako...Ngayon, alam ko na...Maari na ako maging maingat...

Pag-alis ang una ko nakitang makakapagpaluwag ng dibdib ko pero ang totoong gusto ko NGAYON ay nandito ako, kasama ako sa hirap at ginhawa, tawa at iyak, mura at kalma, ngarag at petiks - ito ang ikaliligaya ko...

The thought alone made me feel better...Don't need the trust for I will live the day w/ HIM totally not part of it...It's a vindication itself...